READ ON......promise, matatawa kayo.....
Just thought of sharing these to ya. Sa totoo lang, natawa ako habang binabasa ko ito. Kasi ba naman, may point ang dalawang kumag na nagsulat nito kahit papaano. Although it doesn't mean na agree ako a hundred percent sa mga sinabi nila.Well, Tamang lafftrip lang. And siguro makapulot na rin ng learnings. Meron naman kahit papaano, diba?
ANG MGA BABAE TALAGA OO
by redrope
*grabe. usapang lalake*
*sindi ng yosi*
*hithit*
*buga*
Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba.
*hinga ng malalim*
Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.
*tingin sa stars*
Minsan naiisip ko,
alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal?
E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya?
Ang feeling ng masaktan pag nabasted?
Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo?
*tingin sa malayo*
Lagi naman ganun. Una pa lang,
lalake na ang naghihirap.
Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun?
Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba?
Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max.Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod.
At ano ang kapalit?
Well, depende sa trip nila.
Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan.
Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo.
Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.
Wala tayong magagawa, marami silang alibi.
"Hindi pa 'ko ready eh..",
"Sorry pero I think we should just be friends..",
"Ha? Uhhmm..nagpapatawa ka ba? Hahahaha.."
"Better luck next time na lang muna, okay lang?",
"Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..",
"Para lang kitang kapatid e..",
yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa 'yon para saten.
*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*
At hindi lang 'yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle.
Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo.
Sila? Ummm? Teka, isipin ko.
Ayun.
Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni.
Ewan. Ganun ata talaga.
*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*
Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang
bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.
*hinga ng malalim*
Pero alam mo tol,
feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.
*hinga ng malalim*
*tingin sa malayo ulit*
At ito pa ang pinakamasaklap.
*singhot*
Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong 'to, either
sawa na sila,
hindi na tayo trip,
may nahanap na silang better saten,
o kaya they need f*cking space and time muna.
Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod.
At ano pa ang kasamang hassle don?Syempre wasak na ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan.Na playboy.
Na nagpapaiyak.
*iiling*
Tayo siyempre ang mga
antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak.
Ang ending: mag-ooffer sila ng "friendship" kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, "player" na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog.
Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?
Ako, kamusta? Eto.Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak.
Ang mga babae talaga, oo.
ANG MGA LALAKE TALAGA, OO
(tugon kay redrope)
by xristel
Ano ba itong si redrope?
Kaming mga babae na naman ang nakita. Lalake, agrabyado. Lalake, kinakawawa. Lalake, hindi maintindihan. Hmmp, parang masyado yatang nagisa ang mga kabaro ko.
Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng pag-ibig, kami naman ang laging talo a, hindi kayo. Kami ang laging lugi, kami ang lagging nawawalan at iniiwan.
Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang malandi. Hindi pangseryosohang relasyon. Marinig lang nila na malakas kang mag! sa! lita, palengkera ka na. T.O. kagad sa kanila iyon. Mahilig silang tumingin sa mga babaeng sexy manamit, kulang nalang makita na kaluluwa. Pero kapag babaeng seryosohin at gustong ligawan dapat disente, dapat mala-anghel ang mukha, dapat mukhang inosente. Tapos kami pa raw ang mahilig mamili?
Parang baliktad yata?
Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot ka para suyuin ka,para habulin ka pa lalo.
Kapag hindi ka naman nagpakipot "easy to get" naman ang tingin sa iyo.
Hindi ka na seseryosohin. Sino bang may sabing magpaalila kayo, di naman namin hawak ang buhay niyo. Natural lang na magtiis kayo, may gusto kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala na lahat ng mga paghihirap niyo, babaliktad na ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema. Para lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang mabili ito kailangan munang magsakripisyo, magtipid, magtiis. Pag nabili na at mapagsawaan wala na, balewala na. Diyan ka na sa tabi-tabi. !
"Tawagan nalang kita pag trip ko o kaya'y pag may gusto akong ipagawa sa iyo."
Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang na loob pa natin yun. Dahil naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit pa. Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya. Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando, aba, masasakal naman. Sasabihin pa sa iyo
"demanding" ka.
Meron ka pang maririnig na
"I think we need space"
at kung anu-ano pang ek-ek. Sino rin may sabing di dapat kami magpakabait, maging devoted at faithful? Kapag kami ang sumaway niyang mga iyan, iba na ang tingin sa amin.
Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa amin
Kapag kayo gumawa noon, ok lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo yon. Kaya kami, walang magawa. Magpapakaburo at
magpapakamadre nalang. Kapag nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang. Wala namang ibang magagawa eh.
Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin. Hindi kami nagdedemand! Karapatan lang namin iyon. Karapatan namin na lambingin niyo kami, icheck at ipakita ! sa amin na mahal niyo kami.
Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman kami ah. At ang maturity wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming magmature sa inyo. Ang isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It follows iyan sa lahat ng age group. Mas mataas pa nga kung minsan ang pagbawas ng level of maturity. Kayo na ang mag-math. Pati yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo. Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan. Ano tingin niyo sa amin mga artista?!
Alam niyo iyon?
Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo, pero hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan ka pang tigilan na ang pagdradrama.
Hindi nila kami maiintindihan kapag nagseselos kami.Bakit naman kami magseselos kung wala kaming nakikita? Mas iba kaming magmahal. Mas masarap.
Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan blues na.Kami pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang, sino ba ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang choice. Kasi ang babae pag sinabing "break na tayo" lambingin lang iyan ng konti balikan blues na iyan.
Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka diyan. Kahit mag-tambling ka pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato.Wa-epek. Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa.
Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa ng kung anu-ano.
Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo.
Kapag pumangit ka after the break up, magpapasalamat sila na iniwan ka nila. Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na naging girlfriend ka niya. Sala sa init sala sa lamig talaga.
Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila laging sila nalang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere. In-love din kami.
Ang mga lalake talaga, oo.
LOVE knows no reasons, love knows no lies, love defies all reasons, love has no eyes. But love is not blind -- LOVE sees, but it doesn't
mind. -- ¤Ü¤
KAYONG DALAWA TALAGA, OO
Tugon kay redrope at xristel
By jMrX
Anong kaguluhan ang meron dito? Mga babae at lalake talaga hindi nagpapatalo sa litanyahan basta usapang pagmamahal ang bida.
Kesyo kawawa ang lalake
kesyo kawawa din ang babae,
eh teka muna sino ba talaga ang mas kawawa?.
Sinasabing kawawa ang lalake kase Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, Sinsabing kawawa naman yung babae kase Pagnakuha na yung gusto ng lalake, iiwan ka na lang sa tabi.
Tsk tsk tsk.. Sige sisihan lang nakakabuti yan sa reputasyon ng bawat isa. Sa larangan ng pag-ibig hindi naman kelangan alamin kung sino ang mas kawawa o sino ang mas agrabyado..
Parang sugal lang yan.. minsan talo ka minsan ikaw naman ang panalo..
Hindi mo masasabing panalo ka lagi at hindi mo din gagawin na isa kang talunan sa lahat ng laban. Nagmahal ka diba? Edi sumugal ka na rin. Ganon lang yon pumusta ka at pumusta ako, kung sino ang talo sana walang laglagan..
Sana pagkatapos ng sugal, Kwitz kwitz lang…
May nakuha ka sakin may nakuha ako sayo, wala ng balikan.
Sa umpisa ng laban, sinasabing luge ang lalake kase kami nga naman ang nanunuyo at kami din ang nagpapabibbo sa pamamagitan ng regalo, paghatid, pagtxt at minsan pagtawag-tawag. Tayo naman ang nanluge sa sarili natin e,
SILA din kase ang pinili nating ligawan, ganon talaga ang nanliligaw pare SUGALAN ang laban..
Unang una tayo naman ang namimili, sila ay mga Tamang Abangers lang..
Namimili din sila ng manliligaw pero hindi nila mapili yung mga lalaking dapat lang na manligaw sa kanila, ang ginagawa lang nila.. Magpakikay at magpaganda para mapansin na angat sila sa mga kakumpitensya nilang magaganda.
Malalaki mata nating mga lalake, sa itsura tayo nakatingin plus na lang yung ugali nila kung bruhilda ba o tamang macho din ang ugali o maayos naman… sa madaling salita..
Looks muna and plus lang ang ugali, Literal yan sa lalake… Matalas ang mata mahina naman ang tenga..
Kung hindi ka ganong kagwapuhan tapos liligawan mo ang maladyosang kagandahan niya, tapos pag binasted ka sasabihin mong PINAASA ka lang nya.. Matuto din tayong lumugar sa sitwasyon, hindi lahat ng bagay nakukuha ng tao, sabi nga nila… nadadaan yan sa tyaga!
At lahat ng nanliligaw MABAIT!...
Sa mga babaeng nililigawan naman,.. Pag nagpakipot epek ka “maarte ka”, pag sinagot mo naman kagad “easy to get” ka naman, pag medyo pinatagal mo tapos babastedin mo din pala “Nagpapapa-asa lang”..
Nahihirapan na ba kayo lumugar?
Depende yan sa utak ng lalake.. Kung ano kayo edi ganon ang ipakita nyo,. Kung talagang hilig mo magpatagal ng manliligaw edi patagalin mo, mainip siya kung maiinip siya. Choice namin kung hahanap kami ng iba oh magbibilang kami ng damo para lang mapasagot kayo.
Ang mga babae pagdating sa pagibig(Mostly), mga KIRAT yan pero matalas ang pandinig.. Hindi sila totally tumitingin kung kamuka mo si Richard Gomez o hindi, basta mabait ka and medyo muka kang mapagkakatiwalaan.. PDE NA! madadaan yan sa --- Tamang panunuyo lang mapapa-OO mo na yan.. tamang paglalambing lang, OO lang yan ng OO… Kaya nga pinagpipilitin din nilang sila ang kawawa pagdating sa relasyon eh… Kase once makuha na daw naten ang gusto natin! ibabalandra na lang natin sila sa tabi, lalo na pag nakakita tayo ng mas higit na seksi sa kanila at kagandahan pa.
Lipat na ng ibang Channel ang banat ng iba.. Ang iba naman pasulyap sulyap lang pero nagnanasa na din pala, may iba naman faithful kunwari at nagpapakamartir sa kasintahan nya.
At pag-officially na kayo na..
Anjan na ang anino pataasan na ng EGO.. pataasan na ng PRIDE, pahabaan na ng pasensya at madalas patagalang umamin ng kasalanan... may matindi pa jan.. UGALI mo UGALI ko Walang nagdugtong kahit na ano…
Sh*t yan, pero nung nagsusuyuan pa lang tayo, may pa-Destiny destiny pa kayong dalawa.. Amf...
Ganyan talaga ang Pag-ibig pang ROLLER Coaster.. Minsan nasa taas tayo, minsan naman nasa baba ang matindi non nakabaliktad ka pa..
Kaya hanggat buo pa ang relasyon nyo matuto nyong pahalagahan.. hawak lang walang bitawan!!...
Tapos pag CLOSING time na..
ayan na ang iyakan..
ayan na ang sumbatan,
ayan na din ang turuan and mas matindi pa jan yung SISIHAN!...
Haaayy buhay nga naman sisihan lang ng sisihan pag nasa dulo na ng relasyon. Matapos kayong magsaya at tumawa magkasama pagkatapos ng relasyon nyo magsisiraan din pala kayo.
Sarap magmahal noh? Para kang uminom ng 3 redhorse na mainit na kala mo’y galing sa baul... BASAG!
Sa lahat ng nakabasa ng THREAD na toh..
Pag naramdaman mong nagmahal ka ng totoo na bukal sa sarili mo..
YUN NA YUNG PINAKATAMANG NAGAWA MO!...
Lahat ng tao nagkakamali, pede naman silang patawarin at pagbigyang muli, kahit hindi sa mismong taong nasaktan at nasugatan nila, madaming panahon at madami pang oras… Hindi natatapos ang Pagtibok ng puso sa isang matinding sakit na naranasan lamang..
Masakit masaktan.. Masakit din pag ikaw ang nakakasakit kase mas matindi pa ang balik nito sayo.. Ang mga lalake at babae nga naman.. Masaya naman pag nagmamahalan pero sana sa dulo ng Istorya..
Wala namang sisihan!!!...